Saturday 27 August 2011

FREE TXT to SMART/GLOBE/SUN through GMAIL

Kung naalala nyo dati may feature ang Yahoo na pwede kayo magsend ng txt from YM to a mobile phone pero tinigil nila yun dahil, ewan hindi ko alam.

Ngayon, meron nang ganung feature ang Gmail. Ang kailangan mo lang gawin ay

1. Mag log in sa Gmail Account.

2. Buksan ang drop down menu ng SEND SMS sa pamamagitan ng pagclick dun sa + sign

3. Type ang number ng ittxt mo na kasama yung country code. Ibig sabihin, yung may +639..... then hit enter



4. May lalabas na bagong window sa gitna. Itype ang pangalan ng recipient para ma save ang number na to (parang chikka lang) tapos click save.



5. May lalabas ule na bagong window, this time sa gilid naman, kung saan pwede mo itype ang mensahe mo. Pag natype mo na ang love letter mo, hit enter!



Eto yung messages na matatanggap ng recepient






NOTES:
- Sa pag test ko, nasa 1 minute yung delay ng pagkakareceive ng message.

- Hindi ko alam kung gumagana to sa mobile gmail kase hindi ko pa nasusubukan.

- Pag nagreply ka from mobile to Gmail, P2 ang bayad so mas mura sya ng P0.50 kesa sa Chikka

- May limit na 50 messages a day

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Powered by Blogger